Posts

Siya yung babaeng...

Image
Siya yung babaeng simple lang, Walang make-up o kahit ano mang inilalagay sa mukha. Siya yung babaeng kalog at baliw Sa mga jokes niyang korni pero nakakaaliw. Siya yung babaeng lagi mong nakikitang nakangiti, Nakakahawa minsan pati ikaw mapapangiti. Siya yung babaeng mas malakas pang sumuntok kaysa sa'yo Biglang nanghahampas kahit hindi mo naman inaano. Siya yung babaeng mahilig magbasa ng libro sa national bookstore Uupo sa sulok at doon ilang oras na nagbabasa. Siya yung babaeng mahilig sa teady bear, Parang batang tatakbo papunta sa teady bear at yayakapin pa. Siya yung babaeng ilalapit ka sa Diyos. Ganon siya kabait at mamahalin mo talagang lubos. Siya yung babaeng unang kita mo palang masasabi mong "Siya na." Siya na kasi lahat na ata nasa kanya na. Siya yung babaeng panghabang-buhay Na pinapangarap ng ibang makasama sa iisang bahay. Siya yung babaeng maalaga at maalala Na kung magmahal ay sobra higit pa sa sarili niya. Siya yung babaeng pinipilit na tumawa kah
Image
Byahe ng buhay By: Arjay Fernandez Llanera Dumating din ba sa puntong di mo na alam kung san ka papunta? Parang wala ng saysay, at parang wala ng kwenta ang mabuhay. Mga taong akala mo makakasama mo sa byahe ng buhay. Akala mo nandyan lang palagi at sayo ay sasabay. "Gising na, bangon na" madalas naririnig ko sa umaga. At makikita mo sa mesa, pagkaing nakahanda na. Lagi nya itong ginagawa, ulit-ulit, walang sawa. Sa ganyang kaliit na bagay, ramdam ko ang laki pagmamahal niya. Sabay kayong aalis ng bahay at maghihintay ng sasakyan Siya papuntang trabaho, ako nman sa paaralan Tinititigan mo siya habang ikaw ay nasa sasakyan Palayo ng palayo hanggang sa di mo na masilayan Hanggang isang araw nakita ko nalang sya sa hospital Hindi mo aakalaing mangyayari sakanya to. Walang humpay ang inaalay kong dasal Lord please pagalingin mo po ang papa ko. Paggising ko sa umaga, bigla ko siyang naalala Siyam na buwan na pala mula nung araw

ISA HANGGANG SAMPUNG BAGAY NA TUNGKOL SA'YO

Image
Isa, Isang beses ko lang naramdaman itong ganitong saya Itong saya na di ko mapigilan sa tuwing kasama kita Natataranta at di ko alam ang gagawin kapag nakikita kita Mula ng makilala ka, mundo ko'y nag-iba. Dalawa, Oo yan ang pangarap ko ang maging tayong dalawa, Lahat ng panunuyo gagawin ko maging akin kalang talaga Tatlo, Tatlong bagay ang nagustuhan ko sayo, Yung mata, yung labi, at yung ngiti mo Nakakaadik titigan, pati ako napapangiti mo Apat, Apat na beses mo na pala ako binusted Pero eto parin ako matatag at tapat. Diba ganun naman tlga hirap tlga minsan abutin ang pangarap At patutunayan ko sa'yo na ako ang dapat. Lima, Lima na ang tulang nasulat ko tungkol sa'yo Pag ikaw kasi ng topic naiinspire ako Kusang lumalabas ang mga letrang sinusulat ko Na parang idinidikta lahat ng puso ko Sana lahat na tulang iyon ay nabasa mo Anim, Anim na beses akong umamin, Pero di mo ko pinapansin Dinedeadma mo lahat ng nais kong sabihin Pero di ako

Bakit Ganun?

Image
Bakit ganun, anong problema ng mga tao ngayon? Bakit lahat ng tao hindi marunong makuntento? Bakit naghahanap ng pa ng iba, kahit meron na? Bakit kailangan may manalo, at kailangang may matalo? Bakit may nagpapabaya, at nagpaparaya? Bakit hinahayaan nalang natin na tayo'y saktan ng pauli-ulit? Bakit patuloy pa rin tayong nagpapagamit? Bakit kaya ganun, anong problema ng mga tao ngayon? Bakit may nang-iiwan, tapos pinapabalik natin na parang wala lang? Bakit pa ipinaglalaban yung taong di ka naman ipinaglalaban? Bakit patuloy ka paring umaasa, kahit alam mong wala na? Bakit pa maghihintay ng kay tagal, bakit sa paghihintay ang oras ay kay bagal? Bakit hindi natin kayang tanggapin, hindi ka nya mahal kahit anong gawin. Bakit madaming nagpapakatanga, kahit minsan kawawa na sila? Bakit ganun? Bakit ganun? Bakit ganun?

Now You're Here

Image
Now You're Here It's been a while to see your smile It's feels like the sun shines after the rain We've been apart for thousand miles Now you're here and take away all the pain Three years feels like a week ago Time's running so fast does you feel it too After three lonely years without you It's true I spent it waiting for you Remember the time when we first met Of all the subjects, I think it's Math We used to solve for the X and Y's But can't find the value of U and I Now you're here I can't find the words to say But my hug tells how I missed you everyday You're still the same as you look before And I know that I still love you more. Now you're here every second counts Every minute, hours, days and months. And I'll take every opportunity To be with you, 'cause that's makes me happy

Bagong Pag-ibig

Bagong Pag-ibig Ito na ba ang panahong magmamahal muli? Panahong hinintay makamtan ang minimithi Bagong pag-ibig sa bagong pagkakataon Mga sugat ng kahapon oras na ng paghilom Ito na ba ang bagong pag-ibig na hinihintay? Ikaw na ba ang magiging kasama habang buhay? Sa bawat tawa at ngiti mong taglay, Saya sa puso ko ay walang humpay. Sa mala-anghel mong tinig Mga tonong lumalabas sayong bibig Ito na ba ang tinatawag na pag-ibig Tibok ng puso ko di mo ba naririnig? Bagong Pag-ibig sa bagong pagkakataon Dating pagkakamali kalimutan na at ibaon Ito na handa nakong harapin lahat ng hamon Ito na ang simula, kwento ng bagong pag-ibig natin. www.facebook.com/ArjFLWriter

Wag Kang Mag-alala

Verse 1: Araw-araw kitang hinihintay Nasasabik na makapiling ka Pagsapit ng gabi ay iniisip ka Kailan kaya kita muling makikita Pre-chorus: Dahil.. Di ko malimutan, ang iyong pangalan Sinisigaw ito ng puso ko't isipan Sabik na masilayan, ang iyong kagandahan Hindi to nagbibiro, pag-ibig ko sayo'y totoo Kaya bumalik kana, bumalik kana dito Chorus: Sa akin, ikaw ang prinsesa Mahal na mahal kita Wag kang mag-alala Di kita iiwan, kahit kailan Di ka mag-iisa Wag kang mag-alala Verse 2: Wag mag-alala, andito lang ako Andito lang ako naghihintay saiyo Susuyuin ka hanggang sa dulo Mabusted man o maging tayo [Repeat Pre-chorus & Chorus] Nandito lang ako, naghihintay sa pag-ibig mo Walang ibang hihilingin. Ikaw at ikaw parin Hanggang sa maging, maging tayo [Chorus 2x] #WagKangMagalala Like & Share: https://web.facebook.com/ArjFLWrite...