Wag Kang Mag-alala
Verse 1:
Araw-araw kitang hinihintay
Nasasabik na makapiling ka
Pagsapit ng gabi ay iniisip ka
Kailan kaya kita muling makikita
Pre-chorus:
Dahil..
Di ko malimutan, ang iyong pangalan
Sinisigaw ito ng puso ko't isipan
Sabik na masilayan, ang iyong kagandahan
Hindi to nagbibiro, pag-ibig ko sayo'y totoo
Kaya bumalik kana, bumalik kana dito
Chorus:
Sa akin, ikaw ang prinsesa
Mahal na mahal kita
Wag kang mag-alala
Di kita iiwan, kahit kailan
Di ka mag-iisa
Wag kang mag-alala
Verse 2:
Wag mag-alala, andito lang ako
Andito lang ako naghihintay saiyo
Susuyuin ka hanggang sa dulo
Mabusted man o maging tayo
[Repeat Pre-chorus & Chorus]
Nandito lang ako, naghihintay sa pag-ibig mo
Walang ibang hihilingin. Ikaw at ikaw parin
Hanggang sa maging, maging tayo
[Chorus 2x]
Comments
Post a Comment