Bakit Ganun?



Bakit ganun, anong problema ng mga tao ngayon?
Bakit lahat ng tao hindi marunong makuntento?
Bakit naghahanap ng pa ng iba, kahit meron na?
Bakit kailangan may manalo, at kailangang may matalo?
Bakit may nagpapabaya, at nagpaparaya?
Bakit hinahayaan nalang natin na tayo'y saktan ng pauli-ulit?
Bakit patuloy pa rin tayong nagpapagamit?

Bakit kaya ganun, anong problema ng mga tao ngayon?
Bakit may nang-iiwan, tapos pinapabalik natin na parang wala lang?
Bakit pa ipinaglalaban yung taong di ka naman ipinaglalaban?
Bakit patuloy ka paring umaasa, kahit alam mong wala na?
Bakit pa maghihintay ng kay tagal, bakit sa paghihintay ang oras ay kay bagal?
Bakit hindi natin kayang tanggapin, hindi ka nya mahal kahit anong gawin.
Bakit madaming nagpapakatanga, kahit minsan kawawa na sila?
Bakit ganun? Bakit ganun? Bakit ganun?

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Nasa Huli ang Pagsisisi

Wag Kang Mag-alala