ISA HANGGANG SAMPUNG BAGAY NA TUNGKOL SA'YO


Isa,
Isang beses ko lang naramdaman itong ganitong saya
Itong saya na di ko mapigilan sa tuwing kasama kita
Natataranta at di ko alam ang gagawin kapag nakikita kita
Mula ng makilala ka, mundo ko'y nag-iba.

Dalawa,
Oo yan ang pangarap ko ang maging tayong dalawa,
Lahat ng panunuyo gagawin ko maging akin kalang talaga

Tatlo,
Tatlong bagay ang nagustuhan ko sayo,
Yung mata, yung labi, at yung ngiti mo
Nakakaadik titigan, pati ako napapangiti mo

Apat,
Apat na beses mo na pala ako binusted
Pero eto parin ako matatag at tapat.
Diba ganun naman tlga hirap tlga minsan abutin ang pangarap
At patutunayan ko sa'yo na ako ang dapat.

Lima,
Lima na ang tulang nasulat ko tungkol sa'yo
Pag ikaw kasi ng topic naiinspire ako
Kusang lumalabas ang mga letrang sinusulat ko
Na parang idinidikta lahat ng puso ko
Sana lahat na tulang iyon ay nabasa mo

Anim,
Anim na beses akong umamin,
Pero di mo ko pinapansin
Dinedeadma mo lahat ng nais kong sabihin
Pero di ako titigil hanggang sa ikaw ay maging akin

Pito,
Sa pang pitong beses medyo natauhan ako
Nakakapagod maghabol lalo na sayo
Pitong minuto ko ring pinag-isipan kung susuko na ko
Pitong beses ring sinabing "Hindi" ng isipan ko.

Walo
Wala, wale, wali, walo
Bakit ikaw lagi ang nasa isipan ko?
Teka baka ginayuma mo na ako?
Baka pwede naman nating pag-usapan to?
Yung ikaw plus ako equals tayo.

Siyam,
Ika-siyam ng umaga hinihintay kita
Labis ang aking saya nung marinig kong pumayag ka
Lumabas tayong dalawa at buong araw nakasama ka.

Sampo
Sampung mga daliri nawala ang lima
Hinanap ko hinanap ko na sayo pala
Sampung beses kong sinampal ang sarili ko
Totoo ba lahat ng nangyayaring ito?
Totoo nga at masasabi ko nang may "Tayo".

Mula isa hanggang sampung bagay na tungkol sa'yo
Tatapusin ko ang sinulat ko sa kung pano ko to sinimulan
Dahil Isa,
Isang beses ko lang naramdaman itong ganitong saya
Itong saya na di ko mapigilan sa tuwing kasama kita

Comments

Popular posts from this blog

Nasa Huli ang Pagsisisi

Wag Kang Mag-alala