Byahe ng buhay
By: Arjay Fernandez Llanera

Dumating din ba sa puntong di mo na alam kung san ka papunta?
Parang wala ng saysay, at parang wala ng kwenta ang mabuhay.
Mga taong akala mo makakasama mo sa byahe ng buhay.
Akala mo nandyan lang palagi at sayo ay sasabay.

"Gising na, bangon na" madalas naririnig ko sa umaga.
At makikita mo sa mesa, pagkaing nakahanda na.
Lagi nya itong ginagawa, ulit-ulit, walang sawa.
Sa ganyang kaliit na bagay, ramdam ko ang laki pagmamahal niya.

Sabay kayong aalis ng bahay at maghihintay ng sasakyan
Siya papuntang trabaho, ako nman sa paaralan
Tinititigan mo siya habang ikaw ay nasa sasakyan
Palayo ng palayo hanggang sa di mo na masilayan

Hanggang isang araw nakita ko nalang sya sa hospital
Hindi mo aakalaing mangyayari sakanya to.
Walang humpay ang inaalay kong dasal
Lord please pagalingin mo po ang papa ko.

Paggising ko sa umaga, bigla ko siyang naalala
Siyam na buwan na pala mula nung araw na nawala siya.
Yung madalas na naririnig ko sa umaga, wala na.
Wala nadin yung paborito kong niluluto niya tuwing umaga.

Aalis ka ng bahay ng mag-isa, dati sabay kayo at magkasama
Titingin sa tabi, inaalala mga sandaling nandyan siya.
Inaalala lahat ng alaala, "Pa, miss na miss na kita".
Habang nasa sasakyan, tinitignan yung lugar na kinatatayuan niya

Palayo ng palayo, paliit ng paliit hanggang sa di mo na makita.
Tumingin sa unahan ang tangi kong magagawa.
Sapagkat sa byahe ng buhay di lahat iyong makakasama.
Maraming pagsubok at balakid ang iyong pagdaraanan,
Kaya patuloy ka parin sa paglakbay, para marating mo ang nais mong puntahan.

Comments

Popular posts from this blog

Nasa Huli ang Pagsisisi

Wag Kang Mag-alala