Ikaw Lamang Sinta (my new song)


[Verse:1]
Isang araw nakita sya, nakita syang nag-iisa
Di ko alam ba't nakuha nya atensyon ko't mga mata
Gusto kong mapalapit sa kanya ipaalam ang nadarama
Isang ngiti nya lang labis na ang saya

Nang may pagkakataon lumapit ako't nagpakilala
Ang ganda-ganda talaga ng dimples niya't mga mata
Langit ang nadarama ng narinig syang tumatawa
Ang alam ko lang gusto ko na sya.

[Chorus:]
Di ko na hahayaan pang ikaw sa iba mapunta
Mahal kita, sinta, oh sinta at walang iba
Wag mag-alala... Ikaw lamang sinta.

[Verse:2]
Yan lang naman sana ang gusto kong iparating
Na may isang lalaking para sayo ay darating
Sana'y wag ka lang magalit at ipakain sa pating
Ako sayo'y may pagtingin

Di naman ako umaasa na ikaw ay ganun din
Masakit mang isipin, mahirap mang tanggapin
Mahal kita kahit di mo ako pinapansin
Sa puso ko, ikaw parin
[chorus]

Sana'y minsan pumasok sa isipan mo
Na meron isang taong lahat gagawin para sa iyo
Andito lang ako, sayo.
Na mamahalin ka ng tapat at totoo.. oh!
[chorus]

Ikaw lamang sinta... :)

Comments

Popular posts from this blog

Nasa Huli ang Pagsisisi

Wag Kang Mag-alala