ISA HANGGANG SAMPUNG BAGAY NA TUNGKOL SA'YO
Isa, Isang beses ko lang naramdaman itong ganitong saya Itong saya na di ko mapigilan sa tuwing kasama kita Natataranta at di ko alam ang gagawin kapag nakikita kita Mula ng makilala ka, mundo ko'y nag-iba. Dalawa, Oo yan ang pangarap ko ang maging tayong dalawa, Lahat ng panunuyo gagawin ko maging akin kalang talaga Tatlo, Tatlong bagay ang nagustuhan ko sayo, Yung mata, yung labi, at yung ngiti mo Nakakaadik titigan, pati ako napapangiti mo Apat, Apat na beses mo na pala ako binusted Pero eto parin ako matatag at tapat. Diba ganun naman tlga hirap tlga minsan abutin ang pangarap At patutunayan ko sa'yo na ako ang dapat. Lima, Lima na ang tulang nasulat ko tungkol sa'yo Pag ikaw kasi ng topic naiinspire ako Kusang lumalabas ang mga letrang sinusulat ko Na parang idinidikta lahat ng puso ko Sana lahat na tulang iyon ay nabasa mo Anim, Anim na beses akong umamin, Pero di mo ko pinapansin Dinedeadma mo lahat ng nais kong sabihin Pero di ako ...